(Forwarded jokes from email.)
Mom: baby, you' re good in math. Now I'm going to ask you a question.
Baby: sure mom
Mom: if your daddy gives you 3 apples and I give you 4 apples, what's your answer?
Baby: thank you po!!!
---
Tatay: Asensado na talaga ang anak natin sa US! Ito, nagpadala ng picture, nakasandal sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.
Nanay: "Inay, nagpapasalamat ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na ito, natumba na ako sa sobrang gutom."
---
Dalawang baliw sa Mental.
B1: Pare, tatakas tayo.
B2: Paano?
B1: Aakyatin natin yung bakod, tatalon tayo palabas.
Sumilip si B2 sa bintana.
B2: Pare, malas, hindi tayo makakatakas.
B1: Bakit?
B2: Walang bakod!
---
Anak: Ma, hingi sana ako ng P50.
Nanay: P40? Ang laki naman ng P30! Anong gagawin mo sa P20? Akala mo madaling kumita ng P10? O, eto P5.
---
Misis: Hon, bakit ang dumi-dumi mo at ang baho mo pa?
Mister: Nakita mo ba yung maliit na imburnal sa kanto natin?
Misis: Oo.
Mister: Ako, hindi ko nakita!
---
Isang pinoy, nagpropose sa pinay na minamahal. Upang mapasagot ang babae, pinaghandaan ang sasabihin.
Boy: Will you be my wedding?
Girl: Hahaha!
Boy: What's laughing?
Girl: Wrong gramming!
---
Lolo: Pakiabot naman yang posporo.
Lola: Andyan naman yung shellane eh!
Lolo: So, ipanlilinis ko yung shellane sa tenga ko?
---
Magkukumpare, nag-iisip na sa pangalan ng magiging anak.
Noel: Ipapangalan ko sa anak ko, Leon , baliktad ng Noel.
Nino: Sa akin, Onin, baliktad ng Nino.
Toto: Huwag nyo akong maisali-sali dyan sa usapan nyo, upakan ko kayo.
---
Lasing1: Dito na lang ako pare, bahay na namin ito.
Lasing2: Anong inyo? Amin itong bahay!
Lasing1: Amin ito! Pustahan tayo. (Kumatok)
Babae: Hay naku! Lasing na naman itong mag-ama.
---
BF: may malaki ako problema.
GF: wag mo sabihin problema mo lang! problema natin dahil nagmamahalan tayo! ngayon ano problema natin?
BF: nabuntis natin si inday at tayo ang ama.
---
Passenger taps taxi driver's shoulder...
WAAAAAHHHHHH! !!! screamed the driver...
Passenger: bakit ka sumigaw?
Driver: sorry bossing bago lang kasi ako sa taxi. 25 years po kasi ako driver ng funeraria.
---
Kumatok ang isang ahente sa bahay.
Pagbukas ni misis ng pinto, agad pumasok ang ahente at ikinalat sa sahig ang ebak ng kabayo.
Ahente: Ma'am, kapag di nalinis ng vacuum cleaner ko ang kalat, kakainin ko ang mga yan!
Misis: Umpisahan mo na ang pagkain nyan at brownout kami ngayon.
---
Nanay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay! Simula ngayon, huwag mo na akong tawaging nanay at hindi na rin kita tatawaging anak, naintindihan mo?
Anak: Sige dude, alis na ako.
-
No comments:
Post a Comment